Bakit Po Pinamagatang Ang Mag Asawang De Espadana Ang Kabanata 42 Sa Noli Me Tangere

Bakit po pinamagatang ang mag asawang de espadana ang kabanata 42 sa noli me tangere

Noli Me Tangere

Kabanata 42: Ang Mag Asawang de Espadana

          Ang kabanatang ito ay pinamagatang Ang Mag asawang de Espadana sapagkat ito ay pagpapakilala sa kanila at pagsasalaysay kung paano sila naging magkabiyak. Isinaad dito na ang pagiging doktor ni Don Tiburcio ay hindi likas sapagkat napilitan lamang siya na magpanggap matapos payuhan ng mga kaibigan upang magkaroon ng kabuhayan dito sa Pilipinas. Dahil sa tumatandang dalaga na si Donya Victorina, minabuti na niyang tanggapin si Don Tiburcio bilang kabiyak. Si Don Tiburcio naman ay napadpad lamang sa Pilipinas upang magtrabaho ngunit sa kasamaang palad ay nabalian ng buto habang nasa byahe kaya naman hindi nagtagal sa serbisyo.

          Nang araw na ito ay nagtungo ang mag asawang de Espadana upang gamutin ng Don ang may sakit na si Maria Clara dahilan para malungkot ang buong kabahayan ng mga delos Santos. Bunga nito, nagpasya si Kapitan Tiyago na magbigay ng donasyon sa paniniwala na makatutulong ito sa agarang paggaling ni Maria Clara.  Kasama din ng mag asawa ang pinsang si Linares na nais nila na makatuluyan ng dalagang si Maria Clara. Dumating din ang kurang si Padre Salvi upang kumustahin ang lagay ni Maria Clara. Ilang sandali pa ay dumating na din si Padre Damaso sa tahanan ni kapitan Tiyago upang kumustahin ang lagay ni Maria Clara sa kabila ng mahinang pangangatawan na bunga rin ng pagkakasakit sapagkat hindi matiin ng ama na hindi makumusta ang anak.

Read more on

brainly.ph/question/2153223

brainly.ph/question/2144079

brainly.ph/question/2145481


Comments

Popular posts from this blog

You Are Buying 3 Shirts And 2 Pairs Of Pants. You Spend $300. Let X Represent, The Price Of The Shirt And Y Represent The Price Of The Pants. Write An